Not Meant

14415396581Isang usok na bawal
Isang damdaming di pwedeng ipaalam
Ganyan ang tingin ko sayo
Isang malayong bituing di ko halos matanaw
Layuan mo ako, ayokong isipin ka

Hindi ko pwedeng maramdamang gusto kita
Hindi ka para sa akin
Nararapat ka sa iba
Layuan mo ako, ayokong isipin ka

Minsan kang pinagmasdan
Nalaman kong saki’y di laan
Lalayo na lang marahil
Hanggang tuluyang masupil ang damdamin
Layuan mo ako, ayokong isipin ka

Bookmark and Share

One Response to “Not Meant”

  1. Jonathan Says:

    Wah… ang drama ng blog mo… hehehe :D

Leave a Reply